TEKNOLOHIYA: NOON AT NGAYON





Teknolohiya ang paraan upang mapadali ang buhay natin. Ito rin ang masasabing paraan ng pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina at iba't ibang processo na makatulong sa gawain ng isang tao. 




 Noon hindi pa gaanong maunlad ang teknolohiya. Kaya maraming mga gawain na ginagawa ng processong manomano. Halimbawa: Sa pagluluto . Noon ginagamitan pa ito ng Kahoy at sinsindihan upang makakapagluto.ngunit sa kalikutan ng pag iisip ng mga tao iniimbento nila ang Rice cooker, Micro wave at iba pang kasangkapan sa pagluluto kaya mapadali na ito ngayon.
 Bukod sa mga kasangkapan, naimbento rin ang Washing Machine para sa paglalaba at higit sa lahat cellphone at computer upang mapadali  ang pag komunikasyon sa tao.






Noon ang mga aaral ay hirap sa pag aaral dahil wala pang computer. Nagbasabasa o nag Scan ng mga libro sa librarya upang makahahanap ng mga sagot o katanungan. Pero ngayon sa pag imbento ng cumputer, mapapadali ang pag kuha ng mga impormasyon.











Kung sociology ang pag-uusapan ay bagsak na ang grado ng mga kabataan ngayon. Inagaw na kasi ng computer games ang panahon nila na para sana sa interaksyon nila sa kapwa. Ang computer na lang ang kaya nilang i-manipula at hindi na nahuhubog ang kakayahan nila para i-manipula ang kapwa bata. Wala na ang batayang antas ng pag-unlad ng isang lider.



Kaya bilang isang mag aaral, hindi lamang Maganda ang idulot ng teknolohiya sa atin kundi may idudulot din itong masama kong hindi natin ito gagamitin ng maayos. Kahit mag daan ang mga taon ang Teknolohiya ang mag bibigay daan upang uunlad at aangat sa ating lipunan. Anu’t ano pa man ang hatid sa atin ng makabagong teknolohiya, ang pangunahing halaga nito ay ang pagpapahusay ng ating mga sarili at pag-gamit nito para din sa ikauunlad ng iba.


Comments

  1. Kung ngayon walang kasangkapan upang pagluto , halimbawa microwave, at ricecooker, dapat naming ginamit ang kahoy na kasangkapan para pagluto. Ngayon, nakatira ako lang at ginagamit ko mga iyong kasangkapan. Kaya naintindihan ko kung paano mahalaga mga ito.

    Sa palagay ko, mukhang more advanced ang pag-aaral sa Pilipinas kaysa sa Japan, kasi lahat ginagamit ang mga tablet. Hindi ako nakagamit ng tablet sa klase sa Japan. Kailangang naming pag-tatalunan ang edukasyon.

    ReplyDelete
  2. Ano ang tulad ng pamumuhay sa panahon nang walang digital media?

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

MIL#Ass.

REFLECTIONPAPER: ICT